#FeaturedKayeCalFan - Rafaella Andrea (TeamKayeCalBulacan)

#FeaturedKayeCalFan -Rafandreav mula sa TeamKayeCalBulacan




Si Rafandreav ay isang matalino at masipag na mag-aaral mula sa Bulacan.Tulad ng isang karaniwang mag-aaral ay nagtataglay siya ng mga (itinatagong) talento na unti-unti na niyang naibabahagi ngayon tulad ng pag-awit , pagtugtog ng gitara at pagguhit. Ilan lamang ang mga talentong ito na nagpapatunay sa kanyang determinasyon na mas mabigyang-pansin pa ang kanyang mga natatanging talento...at pinapatunayan niya na may isang tao na bukod sa Diyos at sa kanyang pamilya na tuluyang naghatid ng positibong inspirasyon sa kanya at ito ay ang kanyang paboritong singer o mang-aawit...makikita  sa kanyang instagram account ang pagtugtog niya ng "Walang Iba" at sa ibaba naman makikita ang ilan sa kanyang natatanging "sketches".





Sa kabila ng napakaraming gawain sa paaralan at mga karagdagang gawain na kailangang gampanan ay nabibigyang-pansin pa niya ang pagkakaroon ng oras para pag-aralan ang mga awiting ibig niyang tugtugin at pinag-aaralang awitin. Sa kabila ng maikling oras ng pagpapahinga ay nagagawa pa niyang gumuhit ng mga larawang nagpapagaan sa kanyang kalooban. 
Tunay nga namang ang pagguhit ay maaring maging isang magandang paraan upang makapagpahinga ang isipan sa samu'tsaring problema na kinakaharap natin.

Napakagaling niyang gumuhit dahil ramdam mo na ito ay mula sa kanyang puso.





Bukod sa pagguhit ay nakakapagbahagi na rin siya ng kanyang sarili sa tulong ng pagiging aktibo bilang isang tagapagtaguyod ng TeamKayeCalBulacan.

Para sa'yo Rafa ako'y humahanga sa iyo kaibigan sa mga natatanging kwento mo sa akin. Napakarami kong natutunan mula sa'yo at alam kong sa susunod ay maibabahagi mo rin ang mga iyon sa iba at iyon ay maaaring sa takdang panahon kung saan handa ka na at mas matatag pa dahil sa mga karanasang magtuturo pa sa'yo ng napakaraming aral mula sa buhay.

Ipagpatuloy mo ang pagbuo ng Team Kaye Cal Bulacan.

Isinulat ni: -Sensei Plazo-
Instagram: missplazo_24
missapplemarieplazo
Twitter:@plazoapplemarie


Comments

Popular posts from this blog

Mga Aral Mula sa Aking Mga Karanasan

When I'm Sad... by Apple Marie Plazo (Sensei Plazo)

Skyranch Pampanga ❤