@IamZanne24 #FeaturedWattpadAuthor of #TheFanGirlDiaries



❤Sensei Plazo's Featured Author and Watty Story❤

⭐ #TheFanGirlDiaries (lsinulat ni IAmZanne24) ⭐

Matapos ang Two Hearts ni Ms.Rej o simply_author na naitampok ko sa blogspot na ito ay may isa pa tayong kikilalaning #FeaturedWattpadAuthor 


Siya si IAmZanne24
at ang kanyang kwento
ay 
Pinamagatang


#TheFanGirlDiaries



Isa na namang kapana-panabik na rebelasyon mula sa isang fan girl ang nagbahagi ng mga nakakatuwa ngunit makatotohanang pangyayari o mga tagpo ng buhay ng isang fangirl sa pamamagitan ng isang pagsasalaysay o paglikha ng kwento upang maipadama at maibahagi sa lahat ang mga karanasang nararanasan na ngayon ng nakararami.Sino ba ang hindi dumaan sa pagiging fan girl/boy? Ayy ate at kuya ...di ka tao kung di ka pa naging fanGirl or fanBoy.

Bukod sa mga kumakalat na blogs ngayon tungkol sa usaping fangirling ay may isang kwentong likha ng isang binibini na si Suzanne na isang TeamKayeCal na nagbahagi ng kanyang kwento sa atin sa tulong ng Wattpad at ito ay pinamagatang #TheFanGirlDiaries.

Makikilala natin si Sandy at ang ilan pang mahahalagang karakter sa kwento na hindi ko muna iisa-isahin upang hikayatin kayong basahin din ito.
Matutunghayan ang pagbabalangkas ng mga di maiiwasang damdamin at karanasan na maaring maramdaman o tahakin ng isang fangirl at ng kanyang iniidolo. Maaring suswertihin ang isang fangirl at maari rin siyang mabigo at dumating sa punto na aasa na lang sa tadhana.

Hindi madali ang pagbuo ng ganitong kuwento kaya saludo ako sa mga first time wattpad authors na sadyang binuhos ang kanilang dugo't pawis upang makapagbahagi ng kuwento kahit na minsan ay pagod pa mula sa trabaho.


Natuwa ako at maging ang mga masugid na tagapagbasa ng Wattpad sa isang kuwentong bunga ng karanasan ng isang fan girl, salamat Ms. IamZanne24 .Isa ito sa pinakamalikhaing pagbahagi ng emosyon sa tulong ng pagsasalaysay ng kwento.

Napakarami nang blogs at mga tula na nagpapahiwatig o nagbabahagi ng Diary ng isang fanGirl o isang masugid na tagahanga at nakakatuwang malaman na mas marami na ang nakakaunawa nito ngayon na noon ay minamaliit lamang ng iilan na hindi nakakaunawa sa damdamin ng isang fangirl o fanboy.

Kudos Watty Author IamZanne24! Marami pa ang magbabasa ng akda mo.





Ito ang ilang komento ng mga #TheFangirlDiaries mula sa account ni @Iamzanne sa instagram (cto.)



Nabasa niyo na ba? Kung nabasa niyo na at nakarelate kayo ...Certified Fangirl nga kayo =)

Sa mga fangirls at fanboys hindi naman masama o nakakabawas ganda ang pagfafangirl at pagfafanboy ...ituloy niyo lang hanggat masaya kayo at hindi nakakasama sa inyo at wala kayong naapakang tao o nasasaktan. Enjoyin ang buhay!


-SenseiPlazo-
Instagram: missplazo_24
Twitter: @plazoapplemarie

Comments

  1. Nakakatuwa nman talaga kc ang story nya...haha nasali papala aq jn 👍 @nikico24.. 😉 clap clap ka sakin.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Mga Aral Mula sa Aking Mga Karanasan

When I'm Sad... by Apple Marie Plazo (Sensei Plazo)

Skyranch Pampanga ❤