Posts

Showing posts from January, 2019

#TulaNiSenseiPlazo 2019

Kaliwa...kanan...wala akong mapagkatiwalaan Hindi ko alam malalim ata aking pinaghuhugutan Isa, dalawa, tatlo gulung-gulo ang isip ko Maniniwala pa ba sa mga tulad ninyo? Magigising pa ba akong may kapayapaan sa mundo? O habambuhay na lamang akong ikukulong kasama ang mabigat na tanikalang katabi ko? Matatalo ko pa ba ang bakal na naglalayo sa akin sa mga gusto kong gawin? O lalayo paba ang mga gusto ko sanang pursigihin subalit di talaga para sa'kin... Mananahimik na lamang ba sa mundong tila wala nang umaga... Mag-iisa na lamang ba hanggang di na gumising isang umaga? -Sensei Plazo ➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖ Ang dating lumpo... Ngayon ay siya nang pinakamatalino... Iyon ang paniniwala ng ibang tao. Subalit hindi man lamang nila nakita ang pagsisikap nito sapagkat nakapokus lamang sila sa talino. Mas mainam ang maging masipag mga katoto... Kaysa maging matalino lamang sa mata ng mga tao tulad niyo... Hubdan man ng katalinuhan ang bawat isa'y may angking kas...

Hangad Ko'y Pagbangon Ngayong 2019

Image
Sa likod ng mga ngiti't matataas na mga pangarap.Isang kaluluwang tulala ang dito'y nananahan subalit ang pagiging Tulala ang tangi niyang naging daan upang magising sa realidad at patuloy na siyang nag-iisip ng malalim at namuhay mag-isa. Matagal niyang hinimok ang sariling matuto't tumuklas ng bagong mundo't kailanman ay di siya Sumuko. Di siya Sumuko gaya ng bulung-bulongan sa paligid na hindi pa nababasa ang kanyang buong libro. Mas nakilala na niya ang sarili niya. Mas naging mapagmatyag sa paligid At hindi na nagpapadaya.Ayaw na niyang mapasailalim sa mga dating kinakatakutan Bagkus Kaya na niyang unawain ang lahat. Marahil ilan lamang ang nakakaalam ng kanyang madilim na mundo dahil pawang ngiti't makulay niyang buhay ang pawang bumubuhay sa mga Litrato. Hinihimok niya ang Sarili sa Pagbangong lagi niyang ginagawa Subalit sa kalungkutan niya'y nahuhuli lahat ng sugat at luha.Hindi siya nawala.Hindi lamang siya naniniwala. Kaya ngayong bago...