VTR Shoot with KAYE CAL

Sa dami ng magagandang nangyayari ngayon sa karera ng nag-iisang Acoustic Soul Artist na si Kaye Cal ay hindi na nga maitago ang iba't ibang offers at blessings sa kanya ng Panginoon.Tulad ng pag Launch sa bagong aabangan na JAMBAYAN segment sa ASAP .



Nagkaroon ng isang VTR Shoot para sa launching ng segment nina Kaye Cal at isa ako sa nakasamang teamkayecal na mapasama sa shooting.Ilang teamkayecal ang nakasama sa shoot bilang pagsuporta kay Kaye at kami ay napakapalad dahil halos buong araw naming abot-kamay si Kaye at hindi na namin pinalampas ang pagpapapicture sa kanya.






Isa ang team kaye cal sa mga pinakasupportive na fandom noong shoot day dahil sa dami namin kesa sa bilang ng ilang fans na nandoon para sa ibang Jambayan artist.

Ang saya kahit pagod kami dahil sa konting bilad sa araw at ilang lakad-lakad bahagi ng VTR pero ramdam namin ang saya.Ang saya sa likod ng kamera kapag shooting ay hindi man kita lahat kapag naipalabas sa TV ay nasa puso't isipan namin nakatatak.






Mula sa aming pananamit ay pinipili talaga kung angkop ang aming dalang damit.Kaya payo ko kung sasama kayo sa isang shoot ay alamin talaga ang bawat detalye para maibagay ang dadalhing damit.Iwasan na rin ang kulay itim na hindi palaging bagay sa kamera.








Sa araw na iyon ay  napakarami naming nasaksihan.Hindi madali ang ginagawa ng mga cameraman, Producers at mga staffs dahil dugo't pawis ang kanilang inaalay sa bawat mahaba o maikling video mapasaya lamang ang mga manunuod at makatunghay ng Quality outcomes.
Sobrang saludo ako sa mga bumubuo ng ABS-CBN productions, camera mans and staffs.At hanga ako sa mga artistang walang kaarte-arte sa shooting kahit saan ready silang magshoot para sa kanilang pagmamahal sa trabaho at sa mga taong walang sawang sumusuporta sa kanila.

Sobrang unexpected namin na nasa shoot na ang ishoshoot namin ay para sa grupong #Jambayan na kinabibilangan nina Kaye Cal, Iñigo Pascual, Zia Quizon, Moira Dela Torre, Isabela Vinzon at Migz Haleco regular na sila sa ASAP tuwing linggo na tayong may JAMbayan na magpapahugot awit sa atin :)



❤❤❤
Mabuhay ang OPM!










-Sensei Plazo-
Instagram: @missplazo_24
Facebook: Apple Marie SevellejoPlazo
Twitter: @plazoapplemarie


Comments

Popular posts from this blog

Mga Aral Mula sa Aking Mga Karanasan

When I'm Sad... by Apple Marie Plazo (Sensei Plazo)

Skyranch Pampanga ❤