Posts

Showing posts from September, 2016

@IamZanne24 #FeaturedWattpadAuthor of #TheFanGirlDiaries

Image
❤Sensei Plazo's Featured Author and Watty Story❤ ⭐ #TheFanGirlDiaries (lsinulat ni IAmZanne24) ⭐ Matapos ang Two Hearts ni Ms.Rej o simply_author na naitampok ko sa blogspot na ito ay may isa pa tayong kikilalaning #FeaturedWattpadAuthor  Siya si IAmZanne24 at ang kanyang kwento ay  Pinamagatang #TheFanGirlDiaries Isa na namang kapana-panabik na rebelasyon mula sa isang fan girl ang nagbahagi ng mga nakakatuwa ngunit makatotohanang pangyayari o mga tagpo ng buhay ng isang fangirl sa pamamagitan ng isang pagsasalaysay o paglikha ng kwento upang maipadama at maibahagi sa lahat ang mga karanasang nararanasan na ngayon ng nakararami.Sino ba ang hindi dumaan sa pagiging fan girl/boy? Ayy ate at kuya ...di ka tao kung di ka pa naging fanGirl or fanBoy. Bukod sa mga kumakalat na blogs ngayon tungkol sa usaping fangirling ay may isang kwentong likha ng isang binibini na si Suzanne na isang TeamKayeCal na nagbahagi ng kanyang kwento sa atin ...

CEBU 2016 ❤

Image
Isang Linggo sa Cebu ❤ Ang Cebu ang isa sa mga lugar na laging binabanggit sa'kin ng aking mga magulang at mga tiyahin. Sa Cebu kasi nagmula ang karamihan sa aking angkan at maging ang aking ina ay isinilang sa napakamahiwagang lugar na ito. Mahiwaga sapagkat bukod sa isa ito sa pinakatanyag na lugar ng himala ay napakayaman pa nito sa iba't ibang yamang lupa at tubig na siyang pinapahalagahan naman ng mga Cebuano. Cebuano ang tawag sa aming mga mga taga-Cebu.Cebuano ako sa dugo kahit laking Davao ako at nakapag-aral sa Maynila ng kolehiyo. Masarap sa pandinig ang "Cebuano" kilala rin ito  na tawag o pagkalambing-lambing na mga tao na taga-Cebu. Sila ang mga taong sasalubong sa iyo na nakangiti habang inaanyayahan ka na libutin ang patuloy na umuunlad na lugar na ito dito sa Visayas. Nito lamang ika-28 ng Agosto (hanggang ika-4 ng Setyembre 2016) ay nabigyan ako ng pagkakataong mabisita ang Cebu sa unang pagkakataon. Sa sobrang subsob ko sa pag-aaral at ...