KAYEPOP Kaye Cal all.opm.with.Kaye.Cal (Kaye Cal's First Major Concert)

all.opm.with.kaye.cal
#KayePop




Hinding-hindi na mapipigilan ang Acoustic Soul Artist ng Pilipinas na si Kaye Cal sa kanyang paghahari/pagrereyna sa Music Museum ngayong darating na Agosto.



Isang gabi ng tugtugan at kantahan kasama si Kaye Cal ang mangingibabaw sa gabi ng kanyang First Solo Major Concert kung saan napakaraming awitin ang magbibigay saya, kilig at pag-asa sa bawat damdaming bubuhos sa gabing ito.

Ilang araw pa lamang nang buksan ng Ticketworld ang pagbebenta ng Kayepop tickets ay nakakamanghang sa ilang minuto pa lamang ay Sold-out na agad ang VVIP (2500) tickets.Isang patunay na isa si Kaye sa pinakainaabangang magcoconcert hindi lamang sa Maynila kundi sa iba pang panig ng Pilipinas...maging ng ibang panig ng Mundo.Aminado kaming Teamkayecal sa tuwang aming nadarama sa tuwing may aabangang gig at konsyerto si Kaye Cal.

Bukod sa napakalaking konsyerto ay inaabangan na rin ang kanyang nalalapit na pagrerecord ng kanta sa ilalim ng isang international producer na si Brody Brown na producer ng mga kilalang musicians/artist na si Bruno Mars atb.
Napakalaking hatak ni Kaye upang patuloy na mangibabaw ang talento ng pinoy sa ibang bansa tulad ng mga naunang Pinoy na nagbigay karangalan sa bansang Pilipinas.

Ano pa ang hinihintay niyo mahal naming mga teamkayecal at future teamkayecal.Sama na sa isang napakasayang Kaye Pop Experience ngayong darating na Agosto (August 18, 2017)

Tumawag lamang sa ticketworld para sa iba pang detalye.

Buy your tickets now... ❤

❤❤❤

-Sensei Plazo
Instagram: @missplazo_24
Twitter: @plazoapplemarie
Legit Team Kaye Cal


Comments

Popular posts from this blog

Mga Aral Mula sa Aking Mga Karanasan

When I'm Sad... by Apple Marie Plazo (Sensei Plazo)

Skyranch Pampanga ❤