#PilipinasRunWiththeStars2016
Ika-22 ng Mayo taong 2016 

Isang napakalaking pagsaludo ang aking iniaalay sa mga taong pilit na nabubuhay kahit nang minsan ay nalubog sa luha ang buong pagkatao dahil sa pagyao ng kanilang minamahal.
Wala man akong magawa upang sila'y malapitan at magabayan isang natatanging Fun Run ang inihahandog ng Unisilver time para sa aking mga tinutukoy na Pamilya ng Fallen 44 Heroes.
Ang pagtakbo sa Fun Run ay may natatanging maitutulong sa pamilya ng Fallen 44 .
Walang  mapagsidlan ang aking tuwa sapagkat alam kong sa buhay ko'y naging bahagi ako ng aking matulunging mundo.

Batay sa mga namamahala ng Fun Run napakaraming artista ang tatakbo upang makiisa sa naturang pagtakbo. Ilan sa mga artistang kabilang sa listahan ay ang mga Time Ambassadors tulad nina Juan Karlos Labajo, Darren Espanto, Darlene Vibares at Lyca Gairanod ng TVK season 1,Karylle,Yael,Joshua Dionisio,Kim Rodriguez,Mr.International Neil Perez at ilan pang artista mula sa GMA. Nakilahok din si Aiza Seguerra at Liza Dino para sa HEA watches.








Sa araw na iyon ay napakaraming pinagpawisan sa pagtakbo at sa pagbilad sa araw dulot nang pagpila sa iba't ibang nakakatuwang freebies...masaya ang mga tao...masaya kami para sa mga taong bumuo ng Fun Run. Napakasayang tumulong.

Nawa'y sa Susunod ay may mas marami pang proyekto na tulad nito  at nawa'y marami pang tao ang magtutulungan para sa kapwa Pilipino hindi lamang sa mga naiwan ng Fallen 44 heroes.

         -Apple Marie Plazo
May 26, 2016

Comments

Popular posts from this blog

Mga Aral Mula sa Aking Mga Karanasan

When I'm Sad... by Apple Marie Plazo (Sensei Plazo)

Skyranch Pampanga ❤